Posts

Showing posts from December, 2025

Maramihan ng si: SILA o SINA?

Image
MARAMIHAN NG SI: SILA O SINA? tanong sa Labing-Apat Pababa: ano raw ang  "Maramihan ng si" ? ang lumabas na sagot ay SILA imbes dapat na sagot ay SINA tanong na iyon ay tinamaan ang nasa Labingsiyam Pahalang ang tanong ay Lakers sa N.B.A. sagot ay Los Angeles o L.A. ang isahan ng SILA ay SIYA SI naman ang isahan ng SINA kaya mali yaong katanungan sa sinagutang palaisipan sa maling tanong, kawawa tayo tila ginagawa tayong bobo parang ito'y di na iniedit ng editor gayong merong sabit - gregoriovbituinjr. 12.31.2025 * krosword mula sa pahayagang Pang-Masa, Disyembre 31, 2025, p.7

Ang kahalagahan ng tuldik

Image
ANG KAHALAGAHAN NG TULDIK talagang mahalaga ang gamit ng tuldik na nilalagay sa ibabaw ng patinig upang maunawà ang bigkas ng salitâ at wastong kahuluga'y mabatid ding sadyâ halimbawa sa nailathalang balità: doble ang kahulugan ng  "magkakaanak" "magkakaának"  kung sila'y magkamag-anak "magkakaanák"  kung buntis na ang kabiyak pansinin mo ang tuldik na  "á"  sa salitâ naroon ang diin ng bigkas ng katagâ upang kahulugan ay agad maunawà bagamat di nagamit doon sa balità saan dapat itapat ang tuldik-pahilis ay dapat batay sa bigkas at kahulugan kaiba sa tuldik-paiwâ at pakupyâ na nararapat lang nating maintindihan - gregoriovbituinjr. 12.31.2025 * ulat mula sa pahayagang Bulgar, Disyembre 23, 2025, p.2

Paglalakbay sa búhay

Image
PAGLALAKBAY SA BÚHAY palakad-lakad, pahakbang-hakbang sa isang malawak na lansangan animo'y nagpapatintero lang sa maraming tao at sasakyan tumatawid sa mga kalsada sa dinaraanang sanga-sanga habang naglalakbay na mag-isa at nadarama'y lumbay at dusa mahalaga'y maraming manilay na isyu man o pala-palagay kayâ mga kathang tula'y tulay patungo sa pangarap na búhay: isang lipunang mapagkalingà bansang maunlad at maginhawà walang balakyot at walanghiyâ wala ring kurakot at kuhilâ - gregoriovbituinjr. 11.28.2025 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://www.facebook.com/share/r/1ANtdYnMX2/  

Maging bayani

Image
MAGING BAYANI nakodakan puntang pulong hinggil sa kasaysayan mula sa kitaan ay amin itong nadaanan paalala'y:  "Be a hero to our heroes' children" maging bayani tayo, aba'y kaygandang isipin kaytinding usapin ngayon ang malalang korapsyon mga bayani kung nabuhay pa'y tiyak babangon palalayain ang bayan mula sa pagkasadlak sa kumunoy ng katiwalian, pusali, lusak anong lalim ng kanina lang ay pinag-usapan ng Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan (Kamalaysayan): kultura, konsepto, pagkatao, ang pagkabuo ng bansa, anong tungkulin dito paano matanaw ang liwanag sa laksang dilim lalo na't ngayon korapsyon ay karima-rimarim sinagpang ng ahas, pating, buwaya, at buwitre ang buwis at pondo ng bayan, talagang salbahe kaya hamon sa atin ang nasabing paalala na laban sa korapsyon, tayo'y may magagawa pa dinastiya't oligarkiya'y tuluyang mabuwag pangarap na sistemang patas ay dapat itatag - gregoriovbituinjr. 12.27.2025

Kayrami palang search engine

Image
KAYRAMI PALANG SEARCH ENGINE natutunan ko sa isang palaisipan na sa internet pala'y kayraming  search engine lalo't mananaliksik kang may hinahanap mga impormasyong dapat mabasa man din nariyan ang  Rambler, Infospace, Blekko, Yahoo, Altavista, Gigablast, Webopedia, Blingo, Yandex, Google, Dogpile, Naver, Lycos, Otalo, Excite, Hotbot, Mamma, Yippy, Iwon, Mahalo samutsaring makina sa pananaliksik Yahoo  at  Google  lang ang madalas kong gamit ang iba'y susubukan kong may pagkasabik lalo't may hinahanap ako't hinihirit salamat at may  Word Search  o  Hanap Salità at ganitong datos ay nahanap kong biglâ - gregoriovbituinjr. 12.27.2025

Ang pinakamataas na uri ng pagmamahal

Image
ANG PINAKAMATAAS NA URI NG PAGMAMAHAL marami ang nagsasabing ang pinakamataas na uri ng pagmamahal ay yaong paglilingkod sa kapwà, kayâ kumikilos ako't nangangarap ng lipunang patas, walang dukhang naninikluhod upang karapatang pantao nila'y irespeto kinikilala ang dignidad kahit sila'y dukhâ lipunang nawa'y makamit - lipunang makatao naglilingkod sa ating kapwà, dukha't manggagawà walang dinastiya, oligarkiya, hari, pari walang magsasamantala't mang-aapi sa bayan binaligtad ang tatsulok, wala nang mga uri walang pribadong pag-aari, wala nang gahaman nakikipagkapwa't nagpapakatao ang lahat ang pinakamataas na uri ng pagmamahal sa prinsipyong ito'y wala akong maisusumbat humayo tayo't sa kapwa'y magsilbi ng may dangal - gregoriovbituinjr. 12.15.2025

Pagtatása at Pagtatasá (Assessment and Sharpening)

Image
PAGTATÀSA at PAGTATASÁ (Assessment and Sharpening) pag natapos ang plano at mga pagkilos  ay nagtatàsa o assessment nang maayos kung ang pagtatasá o sharpening ba'y kapos? at nakinabang ba ang tulad kong hikahos? kaya mahalaga ang dalawang nabanggit kung pagtatása o sharpening ba'y nakamit? sa pagtatasá o assessment ba'y nasambit? anong mga aral ang dito'y mabibitbit? mga plinano'y di dapat maging mapurol sa planong matalas, di sayang ang ginugol sa assessment ba'y ano kayang inyong hatol? buong plano ba'y naganap? wala bang tutol? tingnan mo lang ang tuldik sa taas ng letra at ang salita'y mauunawaan mo na  kayâ ngâ ang pagtatása at pagtatasá sa bawat organisasyon ay mahalaga - gregoriovbituinjr. 12.12.2025

Di magsasawang magrali hangga't may api

Image
DI MAGSASAWANG MAGRALI HANGGA'T MAY API abang makata'y di magsasawang magrali misyon: gálit ng masa'y gatungang matindi lalo't sa katiwalian di mapakali ngingisi-ngisi lang ang mga mapang-api "Ikulong na 'yang mga kurakot!"  ang hiyaw dahil sa mga buktot na trapong lumitaw tingni ang bansa, parang gubat na mapanglaw para bang masa'y tinarakan ng balaraw huwag magsawang magrali hangga't may api hangga't may mga trapo pang makasarili at dinastiya'y naghahari araw-gabi panahon nang lipulin silang mga imbi di dapat manahimik, tayo nang kumilos laban sa korap na trapong dapat maubos baguhin ang sistema'y misyon nating lubos upang bayan ay guminhawa't makaraos - gregoriovbituinjr. 12.11.2025