Posts

Showing posts from February, 2026

Barya lang po sa umaga

Image
BARYA LANG PO SA UMAGA sakay ako / ng traysikel / nang makita yaong paskil: /  "barya lang po  /  sa umaga" kahit sa dyip / may ganyan ding / paalala pagkat walà / pang kita ang / namasada barya muna / sa umaga'y / iniipon dahil bagong / labas lamang / nila iyon may panukli / na rin sila / bandang hapon iyan ang sa / araw-araw / nila'y layon ang barya ko'y / inihandâ / na kaagad bago pa man / ang sinakyan / ko'y umusad anong payak, / barya muna / yaong hangad sa bulsa na'y / dudukutin / ang pambayad silang tsuper / ay tuloy lang / sa pagkayod habang tayong / mananakay / ay susunod sa paskil na / paalala / kahit pagod "barya lang po  /  sa umaga"  / nang may lugod - gregoriovbituinjr. 02.25.2026 * mapapanoood ang bidyo sa kawing na:  https://www.facebook.com/share/r/1ArmgWgX1f/  

Buti na lang, ako'y may tibuyô

Image
BUTI NA LANG, AKO'Y MAY TIBUYÔ kanina, kulang ako ng barya upang magkapamasahe naman kayâ nga, ako'y dumukot muna sa tibuyô kong pinagtipunan ng baryang sampû at bente pesos mabuti nang tayo'y may naipon bakasakali lang, may panggastos may agad na mabubunot ngayon halina't mag-ipon sa tibuyô natirang barya'y doon isuot at tiyak, di ka masisiphayò pag kailangan, may madudukot walang lamang bote ng alkohol ang binutas ko't doon nilagak ang mga sensilyong magugugol sa kakailanganin kong tiyak buti't nakapagbenta ng libro sa pinuntahan kong pagtitipon kaya tibuyo'y malalagyan ko ng panibagong baryang naipon - gregoriovbituinjr. 02.23.2026 * tibuyô - Tagalog-Batangas sa salitang Kastilyang alcancia

Never Again

Image
NEVER AGAIN "Never Again" anang tibak sa t-shirt ko nakatatak "Never Again" na'y palasak karanasang nakaimbak sa daan kong tinatahak kahit ito'y lubak-lubak nakatanim na sa utak - gregoriovbituinjr  02.14.2026

Pag-inom ng dyus na luyang dilaw

Image
PAG-INOM NG DYUS NA LUYANG DILAW tuwing makalawa ng umaga umiinom ako ng salabat na luyang dilaw, di simpleng lúya kundi turmeric, na pampalakas magaling nga raw ito sa immune system na tumutulong labanan ang anumang impeksyon, kung meron balat pa'y pinangangalagaan lunas daw sa pamamaga't sakit upang lumusog din daw ang pusò inumin lang minsan, di malimit o kaya sa pagkain ay ihalò iniinom na'y dyus na turmeric kalusuga'y lagi nang isipin mahirap nang ang mata'y tumirik lalo't kayrami pang susulatin - gregoriovbituinjr. 02.12.2026

Ibasura

Image
IBASURA kalat sa lansangan, ibasura ilagay sa wasto ang basura nabubulok at di nabubulok paghiwalayin, di sinusunog ang mga mata'y ating imulat sa paligid na animo'y gubat nang dahil sa basurang nagkalat walisin din pati mga korap ibasura pati trapong bugok pati mga lingkod-bayang bulok isama ang kontraktor na hayok na sa ghost flood control nakatutok mga upos, plastik, ibasura! pati mga trapong palamara! pulitikong korap, isama na! bulok na sistema, ibasura! - gregoriovbituinjr. 02.11.2026

Baril ang diwà, bala ang salitâ

Image
BARIL ANG DIWÀ, BALA ANG SALITÂ ang manunulat ay mandirigmâ pistola, glock o garand ang diwà bala naman ang mga salitâ ganyan din maghandâ ang makatâ pinatatagos nila sa pusò ang mga katagang parang punglô tulad ng makatang naglalahò lilitaw muli pag napasubò ang manunulat ay namamatay pag nobela'y natapos na tunay ngunit siya'y muling mabubuhay pag may bagong akdang sumisilay ngayon nga'y sinisimulang muli ang mga kabanatang nagbinhi sa isip, paliko-likong gawi sa iwing diwa'y nananatili - gregoriovbituinjr. 02.10.2026 * kasabihan sa t-shirt ay mula kay Douglas Horton * litratong kuha ng makata sa isang tindahan ng barbeque

Loob, labas, lalim, lubak, labò at linaw

Image
LOOB, LABAS, LALIM, LUBAK, LABÒ AT LINAW napagnilayan ang mga salitang ito habang nakatalungkô, nilay na totoo salitang tilà magkaugnay sa buhay ko kayâ mga salita'y tinipon sa ulo ikà ngâ ni  Balagtas ,  "sa loob at labas ng bayan kong sawi" , patakara'y di patas di ba't pakikipagkapwa dapat ang batas? mundo'y kaygulo, ang marami'y di parehas! kayrami pang mga lubak na tatahakin bago paroroonan ay aming marating ngunit nang tumawid sa malalim na bangin para bang dinadala'y pighati't panimdim lumalabò ang ilog dahil sa basura kung ito'y linisin natin, lilinaw pa ba? tayo ang kikilos upang bansa'y gumanda diwa'y malinaw at payapang puso'y dama dapat lang positibo ang ating pananaw sa dilim ng gabi'y sisikat din ang araw loob, labas, lalim, lubak, labò at linaw mga salitang sa kalooban ay tanglaw - gregoriovbituinjr. 02.05.2026

Ang pressure, ayon kay Alex Eala

Image
ANG PRESSURE, AYON KAY ALEX EALA maraming nagtatanong kay  Alex Eala kung presyur ba'y paano niya hinaharap "bahagi ng trabaho ko ang presyur,"  anya "may dagdag pang presyur ang paglaro sa bansa" "balewala lang ito kung ikukumpara sa presyur na dinaranas ng karaniwang Pinoy na kumakayod para sa pamilya, at balewala ang presyur na dinanas ko sa sakripisyo ng aking mga magulang" pangmasang kaisipan, matalinong sagot sadyang mapapahiya ang mga kurakot kaya kahanga-hanga si  Alex Eala kaygaling sa tennis, kayhusay na atleta kahit saan maglaro, dala ang bandilà tunay na nangungunang atleta ng bansâ - gregoriovbituinjr. 02.05.2026 * mga litrato mula sa google

Pangungulilà

Image
PANGUNGULILÀ nasanay akong mag-isa dahil sa pangungulilà nasanay sa pag-iisa ito ba'y nakatutuwâ? bahagi nga ba ng búhay o ito ba'y pagkabigô sa pinangarap na búhay lalo na't sinta'y naglahò tiningala ko ang langit minasdan ang panganorin bakit búhay ay kaylupit? anong ibig kong sabihin? oo, di ko madalumat ang lakad at tinatakbo parang tasang nagkalamat at nag-iisa sa mundo - gregoriovbituinjr. 02.04.2026 * ikawalong anibersaryo ng pamamanhikan (02.04.2018-2026) * litrato mula sa komiks sa magasing Liwayway

Pariugat

Image
PARIUGAT may wikang Filipino pala sa  square root PARIUGAT , aba'y anong kanyang minulan na talagang sa ulo ako'y napakamot parisukat plus ugat equals pariugat pag  square , imu- multiply  mo ang numero sa sarili nito, habang  square root  naman ay pag na- divide  ang numero sa sarili nito, na madali namang maunawaan suriin mo, ang square ng eight ay sixty-four habang  pariugat  naman ng sixteen ay four ang square ng numero pito ay forty nine habang ang  pariugat  ng eighty-one ay nine pariugat  - likhang salita sa  sipnayan na kung tutuusin, malaking tulong naman lalo na sa  sugkisan  at  palatangkasan pati sa  bilnuran ,  tayahan ,  tatsihaan - gregoriovbituinjr. 02.04.2026 sipnayan - mathematics sukgisan – geometry palatangkasan – set algebra bilnuran – arithmetic tayahan – calculus tatsihaan – trigonometry * PARIUGAT mula sa  https://www.scribd.com/doc/194410375/Mga-Salita-Sa-Agham-at-Sipn...

Pag walang kumatas sa harayà

Image
PAG WALANG KUMATAS SA HARAYÀ ayokong pilitin ang sariling kumathâ kung wala namang kumakatas sa harayà kahit na sa papel pa'y tumitig nang lubhâ buting ipahinga muna ang puso't diwà parang kumakathâ ng odang di mahulô para sa dilag na mahirap o maluhò para sa diwatang nasa malayong dakò dalumatin muna nang paksa'y di maghalò sa ganitong punto, ako'y nagtatanong din ano't paano kayâ ang dapat kong gawin? magpahinga, magnilay, magbasa, kumain subalit ang mahalaga'y huwag pilitin na para bang pag-iri habang nasa banyo baka epekto'y putok na ugat sa ulo huwag pilitin, iyan ang payo, katoto kayâ dapat magpahinga munang totoo - gregoriovbituinjr. 02.03.2026

Gawain din ang pagtungangà

Image
GAWAIN DIN ANG PAGTUNGANGÀ madalas tumungangà sa kawalan nakatingin sa walang tinitingnan o nakatitig sa di matitigan habang naglalakbay ng malayuan ganyan ang gawain ng manunulat sa kisame't langit nakamulagat kung saan-saan tinta'y kinakalat upang magawa ang asam na aklat naglalakad ng kilo-kilometro nang wastong salita'y nasok sa ulo makita ang wala sa diksyunaryo makasalamuhà ang mga tao nang tamang pangungusap ay makathâ malikha'y magandang larawang diwà nang maisulat ang akmang talatà nang matapos ang isang kabanatà - gregoriovbituinjr. 02.01.2026