BASURA, LINISIN! "Basura, linisin! Mga korap, tanggalin!" panawagan nila'y panawagan din natin dahil BASURA plus KORAPSYON equals BAHA mga korap ay ibasura nating sadya kayraming kalat, upos, damo, papel, plastik! walisin na lahat ng mapapel at plastik! oligarkiya't dinastiya, ibasura! senador at kongresistang korap, isama! may korapsyon dahil may Kongresista Bundat kaban ng bayan ang kanilang kinakawat at may korapsyon dahil may Senador Kotong na buwis ng mamamayan ang dinarambong tarang maglinis! baligtarin ang tatsulok! sama-samang walisin ang sistemang bulok! O, sambayanan, wakasan na ang korapsyon! kailan pa natin gagawin kundi ngayon! - gregoriovbituinjr. 10.15.2025 * litrato kuha sa Luneta, Setyembre 21, 2025
Comments
Post a Comment